-- Advertisements --

ILOILO CITY- Nilagdaan na ng gobyerno ng Poland ang defense contract na nagkakahalaga ng $650 million o 34 billion pesos para ibenta ang kanilang mga armas sa Ukraine.

Ayon kay Bombo International Correspondent Neva Intrepedo direkta sa Poland, ito ang pinakamalaking export defense contract na ginawa ng Poland sa nakaraang 30 taon.

Sinabi ni Intrepedo na ang Krab self-propelled howitzers na ibebenta ng Poland ay magiging napakahalagang armas sa patuloy na digmaan sa Ukraine dahil sa pag-atake ng Russia.

Ang pondo naman na ginamit ng Ukraine sa pagbili ng nasabing mga armas ay mula sa European Union at sa sarili din nitong budget.