-- Advertisements --

Itinigil na ng Polan ang pagbibigay ng mga armas sa Ukraine.

Ito ay dahil tensiyon na nagaganap sa dalawang bansa dahil sa temporaryong pagbawal sa mga trigo ng Ukraine.

Sinabi ni Polish Prime Minister Mateusz Morawiecki na kanilang inaarmasan ang Poland kaya itinigil na nila ang pagbibigay ng mga armas sa Ukraine.

Magugunitang isa ang Poland na nagsusuporta sa Ukraine ng lusubin sila ng Russia kung saan nagbigay ang mga ito ng mga armas.

Ang nasabing pagbabawal sa mga trigo ng Ukraine ay inilagay ngayong taon para maprotektahan ang ilang magsasaka na apektado dahil sa murang pagbenta ng Ukraine.