Binatikos ni House Deputy Minority Leader France Castro ang mungkahi ni Vice President Sara Duterte sa kapatid nito na si Davao City Representative Paolo Duterte na hangarin ang speakership o pagiging leader ng minorya sa Kamara sa 20th Congress.
Sinabi ni Castro, tila itinuturing na ng pamilya Duterte na isang family corporation ang Pilipinas kung saan basta na lamang itinatalaga sa mga posisyon ang mga miyembro.
Ipinunto ni Castro na ang pagtatangka aniya na magtayo ng monopolyo sa mahahalagang posisyon sa gobyerno ay nagpapakita ng pagbalewala sa democratic principles.
Ibinubunyag din umano nito ang kanilang tunay na intensyon na limitahan ang kapangyarihan sa kanila lamang pamilya.
Binigyang-diin ni Castro na ang serbisyo publiko ay hindi isang family enterprise kundi usapin ng tiwala ng mamamayan kaya dapat nilang gawing prayoridad ang interes ng mga Pilipino sa halip na ambisyon.
Naniniwalas si Castro na humihina na ang impluwensiya ng mga Duterte at patunay umano rito ang pagkatalo ng mga sinusuportahang kandidato sa iba’t ibang lugar at probinsya maliban lang sa Davao City.