Bret Michaels
Bret Michaels/ Twitter Image

Magiging isang real-life Santa Claus ang lead vocalist ng bandang Poison na si Bret Michaels.

Ito ay dahil nakatakdang magtungo ito sa Bahamas para magpamigay ng $20,000 halaga ng mga laruan at mga damit.

Sa araw ng Biyernes isasagawa nito ang pamimigay sa Cooper town sa Abaco Island.

Ang Bahamas kasi ay lubhang tinamaan ng Hurricane Dorian noong nakaraang mga buwan.