Inaprubahan na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang halos 100 recruitment agencies na nagha-hire ng mga Filipino healthcare workers (HCWs) na nagnanais magtrabaho sa ibayong dagat.
Ito ay kasunod na rin ng ginawang lifting sa temporary deployment ban ng mga Pinoy healthcare workers dahil sa coronavirus pandemic.
Siniguro naman ni POEA Undesecretary Bernard Olalia na tuloy tuloy lamang na nagpo-proseso ng healthcare workers, tulad ng mga nurse, nursing aides, at nursing assistants kung saan nila gustong magtrabago sa ibang bansa.
Base aniya sa datos na hawak ng ahensya ay halos 100 recruitment agencies ang nangunguna sa pag-proseso sa mga new hires patungong United Kingdom, Germany, at iba pang bahagi ng mundo.
Dagdag pa ni Olalia, ang 5,000 newly-hired healthcare workers na ipapadala sa ibang bansa per annum ay sisimulan sa Enero 2021.
Hindi raw kasama rito ang mga returning workers na mayroon pang existing o live contracts sa mga employers abroad.
Sa oras na maabot na ang 5,000-mark ay saka naman sisimulan ng POEA ang assessment kung irerekomenda nito na dagdagan pa ang bilang ng mga healthcare workers na papayagang magtrabaho sa ibang bansa.
Ani Olalia, kung matutugunan lamang ang pangangailangan ng Pilipinas at bahagyang bababa ang bilang ng mga naaapektuhan ng COVID-19 pandemic ay magiging magandang senyales umano ito para sa lahat.