Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga Facebook account na ginagamit ang kanilang opisina.

Sinabi ni POEA administrato Bernard Olalia, na maraming mga reklamo silang natanggap sa nasabing talamak na modus.

Dagdag pa nito na iligal na ginagamit nila ang mga larawan ng kanilang opisina.

Babala nito na hindi sila nag-aanunsiyo ng anumang trabaho sa social media at sa halip ay sa official website ng kanilang kumpanya.