-- Advertisements --
Natapos na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pamamahagi sa mga atleta ng kanilang kakailanganin para sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
Sinabi ni POC president Abraham Tolentino, na nais nilan mahawakan na ng mga manlalaro at coaches ang mga kakailangan bago sila sumabak.
Mayroong kabuuang 1,200 team kits ang kanilang naipamahagi na ang huling delivery ay sa Gymnastics Association of the Philippine (GAP).
Ang mga atleta at coaches naman ng cricket, sailing, chess, obstacle sports, volleyball at windsurfing ay doon na lamang sa Cambodia nila makukuha ang kanilang kit dahil nauna na silang nakabiyahe.
Magugunitang opisyal na magsisimula ang SEA Games sa darating na Mayo 5.










