-- Advertisements --

Nagpaabot na ng promal request ang Philippine Olympic Committee (POC) para mapayagan si Filipino boxing champion Manny Pacquiao na makasali bilang amateur sa 2024 Paris Olympics.

Kinumpirma ito ni POC president Abaraham “Bambol” Tolentino na nagpadala na sila ng sulat sa International Olympic Committee para maiproseso ang eligibility ni Pacquiao sa pamamagitan ng “universality rule”.
Umaasa naman ang POC na agad na maaprubahan ang kanilang mga kahilingan.

Isa sa maaring mapayagan ang paglalaro ni Pacquiao ay dahil sa pagiging sikat na nito at magagamit para sa promosyon ng boxing.

Idinaan na lamang nila sa universality route dahil sa hindi na eligible sa edad ang dating senador na nasa 19-40 years old ang limit sa Olympic qualifiers.

Naniniwala naman si Marcus Manalo ang secretary general ng Association of Boxing Alliance in the Philippines na dapat matanggal na ang age limit kung ang pag-uusapan ay ang kaso ni Pacquiao.