-- Advertisements --

Inamin ng Philippine Olympic Committee (POC) na nanganganib ang paghakot muli ng bansa mga medalya sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia na gaganapin sa Mayo.

Ito ay dahil sa inanunsiyo ng host country ang kabuuang 608 event at 49-sports program.

Ayon kay POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino na dahil sa ginawang ito ng host country ay nanganganib na makahakot ng medalya ang bansa dahil sa may ilang event na hindi na sinalihan.

Wala aniyang naging isyu sa ginawa ng Cambodia dahil sa ito ang benepisyo ng isang host country.

Ginawa aniya nito ang lahat sa pagpupulong ng mga iba’t-ibang Olympic Committee ng mga bansa para pigilan ang Cambodia subalit wala na itong nagawa.

Ilan sa mga sports event na kaniyang tinukoy ay ang Vietnamese martial arts na Vovinam na mayroong 30 events habang ang Fin Swimming ay mayroong 24 events.

Umaasa na lamang ang POC president galingan na lamang at mag-ensayo ng matindi ang mga atleta ng bansa para sila ay magtagumpay sa nabanggit na torneo.