-- Advertisements --
Plano ng Philippine National Railways na isara ang seksyong Alabang hanggang Tutuban sa Enero 2024.
Ito ay upang bigyang-daan ang mga civil projects ng North-South Commuter Railway.
Ang pagkumpleto ng nasabing railway ay makikita ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Clark International Airport at Calamba na mababawasan sa dalawang oras.
Gayundin na makakatulong na mabawasan ang pagsisikip ng trapiko na makaka-apekto din sa pag-unlad ng ekonomiya at pagpapanatili ng kapaligiran.
Tinataya ng PNR na aabot sa 35,000 pasahero araw-araw ang maaapektuhan sa nasabing pansamantalang pagsasara.
Una na rito, inaasahan ang pagtatapos ng naturang proyekto sa darating na June 2025.