Inanunsyo ng Philippine National Railways (PNR) ang pansamantalang pagkansela ng mga biyahe habang kinansela ng Light Rail Transit-Line 2 (LRT2) ang libreng sakay para sa mga estudyante ngayong araw Sabado, Oktubre 29, 2022, habang binabagtas ng Severe Tropical Storm Paeng ang Luzon.
Sinabi ng PNR na kinansela ang mga biyahe simula alas-9 ng umaga upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa gitna ng sama ng panahon dulot ng Paeng.
Samantala, sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ang Libreng Sakay para sa mga mag-aaral ay pansamantalang sinuspendi rin ngayong araw.
Ito ay matapos kanselahin ang klase sa ilang lugar dahil kay Paeng.
Ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 ay itinaas alas-11 ng umaga sa Metro Manila, Marinduque, sa hilaga at gitnang bahagi ng Quezon kabilang ang Pollilo Islands, Laguna, Batangas, Cavite, Rizal, Bataan, ang katimugang bahagi ng Zambales at Lubang Islands.