-- Advertisements --

PNPA1

Nagpakitang gilas ang mga Kadete ng PNPA sa kanilang Sinalihang International Police Academy Competition sa Jakarta, Indonesia.

Ito’y matapos tanghaling Champion ang mga PNPA Cadets sa “2021 Porsimaptar International Conference on Policing Research Competition” na isinagawa mula October 18 hanggang October 22, 2021 kung saan ang Indonesia National Police Academy ang host.

Nanalo ang kanilang Research na may titulong “Three-Factor Structure for Youth Engagement in Community Policing during the New Normal,” laban sa 13 iba pa.

Nakasentro ang pag-aaral kung paano magtulungan ang Police at mga kabataan sa pagpapanatili ng Kapayapaan sa isang Komunidad sa panahon ng New Normal dulot ng Pandemya.

-- Advertisement --

Kasama sa Team ang mga kasapi ng ALAB-KALIS Class of 2022 na binunuo nina:
Cadet 1C Zoe Seloterio,
Cdt 1C Maricar Tapiru,
Cdt 1C Lyndon Mondragon,
Cdt 1C John Mark Maandal
at Cdt 1C Fidel Triste III.

Samantalang sa International Speech Competition.

Ang nanalo bilang Second Place ay si Cdt 1C Crizaldo Barcarse Jr., habang si Cdt 1C Augustine Jaluague, ay siyang Third Place sa kaparehong Category.

Nagsilbing Advisers sina PLTCOL Roan Marie Bascugin, Dr. Myrna M. Campomanes at Dr. Jezamine R. De Leon.