Wala umanong nakukuhang impormasyon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa umano’y assasination plot ng Central Intelligence Agency (CIA) ng U.S. laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde.

Ayon kay Albayalde, walang nasasagap na impormasyon ang PNP ukol dito kaya hindi nito alam kung saan nakuha ng Pangulo ang impormasyon.

Aniya, may sariling intel ang Pangulo kung saan nito nakukuha ang kaniyang mga impormasyon.

Una nang inihayag ni Duterte na nais ng CIA siya ay mapatay.