Nanawagan ang pamunuan ng Pambansang Pulisya sa publiko na huwag basta basta mag post sa social media kaugnay ng sitwasyon sa Marawi City para maiwasan ang propaganda ng local terrorist group.
Ayon kay PNP spokesperson CSupt. Dionardo Carlos na walang katotohanan na nakubkob ng Maute terror group ang Marawi City.
Pagtiyak ni Carlos na kontrolado na ng pamahalaan ang sitwasyon sa ngayon.
Nilinaw ni Carlos na wala silang nakuhang report na may mga sibilyan na binihag ang Maute terror group.
Una rito may napaulat na may isang pari ang binihag ng teroristang grupo.
Pahayag ng opisyal na batay sa report na kanilang natanggap na walang katotohanan na tinake over ng grupo ang ospital ang totoong balita ay nagtungo duon ang grupo para ipagamot ang sugatan nilang kasamahan.
Ibinunyag din ni Carlos na nanggugulo ang teroristang grupo habang lumalayo ang mga ito na bahagi ng kanilang divertionary tactics.
Layon nilang ilihis ang atensiyon ng militar at pulisya.
Giit ni Carlos na wala din silang natanggap na report na may pinugutan ang teroristang grupo.
Pinabulaanan din ni Carlos ang akusasyon na kanilang tino tone down ang isyu sa Marawi.