-- Advertisements --

Ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) chief General Nicolas Torre III na may hawak ng impormasyon ang kanilang tracker team sa pinagtataguan ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Ayon sa PNP chief, inaantay na lamang nila ang tamang tiyempo para arestuhin ang sinibak na BuCor chief.

Matatandaan na matagal ng nagtatago si Bantag matapos na ituro siya bilang utak sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid sa Las Piñas City malapit sa kaniyang bahay noong Oktubre 3, 2022.

Mababatid na si Lapid ay kritiko ni Bantag.

Sa kasalukuyan, may warrant of arrest din si Bantag dahil sa umano’y pag-utos niyang patayin si Cristito Villamor Palaña na umano’y nagsilbing middleman sa pagpaslang kay Lapid.