Nakatutok ang PNP leadership sa ongoing investigation kaugnay sa kaso sa pagpamatay ng isang pari sa Nueva Ecija nuong isang araw.

Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, ipinag-utos ni PNP OIC chief Dep. Dir. Gen. Ramon Apolinario sa Nueva Ecija PNP na gawin ang lahat para maresolba ang kaso at maaresto ang mga suspek.

Sa ngayon hindi pa tukoy ang mga suspek na pumatay kay Fr. Marcelito Paez.

Gumugulong na rin ang imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group (SITG).

Pahayag pa ni Carlos, inaalam ngayon ng mga imbestigador ang circumstances sa pagpatay sa pari.

Sa pahayag na inilabas ni Apolinario, inatasan nito si PRO3 dir. C/Supt. Amador Corpuz na bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) na siyang tututok sa imbestigasyon.

Ang SITG ay pangungunahan naman ni S/Supt. Eliseo Tanding, ang police director ng Nueva Ecija PNP.

Kasama rin sa bubuo ng task group ay ang regional investigators at iba pang available support units field officers ng Central Luzon.

Habang iniatang naman sa Regional Task Group na pangungunahan ng DRDO, PRO3 S/Supt. Rolando Llanera ang pamamahala sa takbo ng imbestigasyon.

Magtatrabaho ng 24/7 ang SITG upang agad maresolba ang kaso at mapanagot ang mga nasa likod ng pagpatay sa retiradong pari.