Tiniyak ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na mag-assist sa pag transfer sa mga pasyenteng hinihinalaang mayroong 2019 novel corona virus patungo sa mga quarantine facilities.
Ayon kay Gamboa, hinihintay lamang nila ang concrete action plan ng gobyerno sa pagtugon sa kaso ng corona virus na tinaguriang health hazards.
Siniguro naman ni Gamboa na may sapat na kagamitan at personnel ang PNP para mapigilan pa ang pagkalat ng nasabing deadly virus.
Giit naman ni PNP chief na ang mga pulis na siyang mag assist sa pag-transfer ng suspected nCoV patients ay kumpleto sa gamit ng sa gayo hindi mahawaan ng deadly respiratory virus.
Hinimok naman ni Gamboa ang lahat ng mga pulis na gumamit ng face mask.
Sa PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) nagpatupad na ng “no facial mask no entry.”
Ito’y kasunod na may mga Chinese na kasalukuyang nakakulong sa AKG detention facility dahil sa mga kaso na may kaugnayan sa POGO.