Hindi pipigilan ng Philippine National Police (PNP) ang kilos protesta ng mga taga suporta ng mga natalong kandidato sa halalan.
Ayon kay PNP Officer-In-Charge Police Lt. Gen Vicente Danao na karapatan ng mga tao na magpahayag ng kanilang damdamin at hindi nila ito pipigilan.
Kaugnay nito, kanyang ipinag utos sa mga pulis na ipatupad ang maximum tolerance para hindi magkagulo.
Parte nito ang paggalang sa mga nagkakasa ng kilos protesta.
Samantala, umapela naman si Danao sa mga magkikilos protesta na huwag magdulot ng abala sa trapiko at huwag manira ng public property.
Pwede naman kasi umanong magdaos ng mga aktibidad sa mga freedom park.
Pagigiit pa nya, handa ang PNP sa post election violence at may contingency plan na sila para rito.
” We have been receviing some many reports of sort of rallies but atually we do not really quantify on this matter. All of us have our rights to express grievances esepcially on the just concluded electoral process. Let us always exercise sobriety expeceilly on the just concluded results nakikiusap po ako na medyo magpakahinahon po tayo. Pagbigyan po natin yung resulta ng boto,” wika ni PLt.Gen. Danao.