-- Advertisements --
Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) sa anumang maging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa operasyon ng online sabong.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos na tatalima sila sa desisyon ng Pangulo at ipagpapatuloy lang nila ang kanilang trabaho.
Gayunaman, kanyang sinabi na tinitignan nila ang “social cost” ng e-sabong at ang epekto nito na hindi maganda para sa mga naaadik dito.
Samantala, kahit tila walang usad ang nangyayaring paghahanap sa mahigit 30 sabungero, umaasa si Carlos na may buhay pa rin ang mga ito.
Patuloy umano ang pag-iimbestiga ng PNP at sinisikap nilang hanapin ang mga nawawalang sabungero para maibalik sa kani-kanilng mga pamilya.