-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Iniuwi ng Philippine National Police Taekwondo Team ang overall title ng taekwondo competitions ng World Police and Fire Games sa Rotterdam, The Netherlands kasunod ng paghakot ng 17 golds, 10 silvers at 9 bronze medals.

Matatandaang nagsimula ang World Police and Fire Games 2022 noong July 22 at nagtapos noong July 31 kung saan sinalihan ito ng 70 bansa na binubuo ng 10,000 competitors.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpl. Edward Barrera, kasapi ng Bayombong Police Station at residente ng Alibagu, City of Ilagan at kabilang sa pambato ng bansa sa ginanap na World Police and Fire Games, sinabi niya na kasali siya sa apat na taekwondo competitions at nanalo siya ng Gold sa Poomsae Team 18+, Silver sa Poomsae Pair 18+, Silver sa Poomsae Individual Class A 18+ at Bronze sa Kyorugi +68-80 kg 18+.

Ayon kay PCpl. Barrera sobrang saya niya dahil ito ang una niyang pagsabak sa kompetisyon at unang out of the country din niyang sinalihan at nag uwi pa siya ng mga medalya.

Nasa Grade school pa lamang siya ay mahilig na siya sa Taekwondo at sumasali na sa mga kompetisyon.

Papauwi na sa bansa ang PNP Teakwondo Team na kinabibilangan ni Cpl. Barrera at nakatakda silang magkocourtesy call sa kanilang mga department heads at babalik na rin siya sa Camp Crame upang magsilbi bilang instructor ng Summer Sports Clinic para sa mga anak ng mga pulis o kanilang mga dependents.