Pina-
Ito’y kasunod sa isinagawang law enforcement operation ng 84th SAC kasama ang NBI sa bahay ni Aljan Mande sa Barangay Candiis, Mohammad Ajul sa Basilan ilang linggo na ang nakakalipas.
Ang napatay na magkapatid na Mande ay mga dating ASG members na sumuko na sa gobyerno.
Sa ipinatawag na pulong ni Wesmincom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, nangako ang SAF na makipag-ugnayan na sila sa militar kapag may ikakasa silang operasyon.
Hindi kasi nakipag-ugnayan sa militar ang SAF at NBI ng ilunsad ng mga ito ang operasyon laban sa mga dating miyembro ng bandidong Abu Sayyaf na nagbalik-loob na sa gobyerno at ngayon ay military asset.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Wesmincom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, mahalaga ang koordinasyon sa bawat lugar para maiwasan ang anumang trahedya sa gagawing operasyon.
Malinaw kasi na may pagkukulang sa hanay ng SAF at NBI dahil hindi man lamang sila bumusina sa militar.
Binigyang-diin ni Sobejana na walang mali at legitimate ang ikinasang operasyon ng PNP-SAF at NBI pero nararapat lamang silng makipag ugnayan.
Nangako ang commander ng SAF sa Basilan na hindi na nila uulitin.
Mayroon kasing umiiral na AFP-PNP Joint Campaign Plan Kapanatagan na kapwa pinirmahan ng mga matataas na opisyal ng PNP at AFP.
Napagkasunduan sa nasabing joint campaign plan na dapat magkaroon ng koordinasyon sa bawat operasyon na ilulunsad sa kani- kanilang mga areas of responsibility.
Inihayag pa ni Sobejana na nagka-usap na sila ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde ukol dito.
Samantala, pinasinayaan naman sa probinsiya ng Basilan ang tinawag na “House of Peace” na isang one story facility na itinayo sa loob ng headquarters ng 4th Special Forces Battalion sa Cabunbata, Isabela City, Basilan.
Itinayo ang “House of Peace” para sa mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf na boluntaryong sumuko sa gobyerno na siyang magiging sentro para sa mga ilalaang peace programs para sa mga surrenderee na nagsisimulang magbagong buhay.
Nasa 207 rebel returnees ang nabiyayaan ng food packs at nabigyan ng financial assistance.
” I