-- Advertisements --

Patuloy na raw ang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril sa Lamitan City sa Basilan na ikinasawi ng tatay ni Dr. Chao Tiao Yumol.

Apela ni PNP PIO Chief Police Brig. Gen Augustus Alba sa publiko, tigilan muna ang espekulasyon sa pagkamatay ng nakatatandang Yumol.

Nanawagan din sya na huwag ikonekta ang nangyari sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na ikinasawi ng tatlong biktima kasama ang dating alkalde ng Lamitan City, Basilan na si Rosita Furigay.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na spot report ang PNP sa pagkasawi ng tatay ni Yumol.

Pero base sa impormasyon mula sa Lamitan Police, nasawi ang tatay ni Yumol matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Rizal, Lamitan City, Basilan dakong 6:30 ngayong umaga.

Nabatid na una nang lumutang ang haka haka na rido ang nangyari o gantihan ng patayan sa mga pamilya para makamit ang hustisya.