NAGA CITY – Nakahanda na ngayon ang Police Regional Office Region 5 (PRO-5) sakaling mangailangan ng tulong ang Police Regional Office 4A dahil sa lumalalang pag-aalburuto ng bulkang Taal.

Sa ipinaabot na impormasyon ni Police Maj. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5 sa media sinabi nitong mahigit 190 personnel ang ipapadala sa lugar.

Binubuo ito ng Search And Rescue (SAR), Regional Standby Security Force (RSSF) at Disaster Incident Management Task Group (DIMTG).

Una rito kinumpirma ng PRO-5 na magpapadala rin sila ng aabot sa 1000 pirasong N95 mask para sa mga police rescuers ng PNP Calabarzon na nakaantabay dahil sa pagaaluburoto ng nasabing bulkan.

Sa ngayon patuloy naman umanong naka antabay ang kapulisan ng Bicol para sa agarang pag responde rito.

-- Advertisement --