-- Advertisements --

bodycam1

Dadagdagan pa ng PNP ang kanilang mahigit 2,600 mga bagong-biling body cameras.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, nas 32,000 pang body cameras ang kanilang kailangan para mabigyan ang lahat ng himpilan sa buong bansa lalo na ang mga municipal police stations.

Sa ngayon aniya ay naipamahagi na sa lahat ng mga police station partikular sa NCR at sa mga siyudad sa buong bansa.

Ang bawat istasyon ay nakatanggap ng 16 na body camera, kung saan walo ang regular na gagamitin ng mga nagpapatrolya, at walo ang nakareserba sa mga special operations tulad ng pagsisilbi ng mga search warrant.

Hinihintay na lang aniya nila ang guidelines mula sa Korte Suprema sa paggamit ng mga kuha ng body camera bilang ebidensiya sa mga kaso.

Sinabi ni Eleazar ang paggamit ng body camera sa kanilang mga operasyon ay magsisilbing proteksiyon ng mga pulis.