-- Advertisements --
image 224

Pinangalanan ni Philippine National Police chief PGen Rodolfo Azurin Jr. si PNP-PIO chief PCol. Redrico Maranan bilang tagapagsalita ng binuong 5-man advisory group na sasala sa mga courtesy resignation ng mga heneral at koronel ng Pambansang Pulisya.

Inihayag ito ni Azurin matapos ang unang dalawang araw na naging pagpupulong ng naturang komite hinggil sa kanilang mga susunod na hakbang para sa gagawing pagsusuri sa naturang mga high ranking officials ng PNP.

Aniya, regular na magbibigay ng update si Col. Maranan pahinggil sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng advisory group sa naturang hanay ng kapulisan para sa mas maigting na internal cleansing dito.

Kasabay nito ay tiniyak din ni Azurin na magiging katanggap-tanggap ang kanilang magiging rekomendasyon sa National Police Commission kung saan nila ipinauubaya ang desisyon kung isasalang pa sa face to face interview ang mga PNP high ranking officials na naghain ng pagbibitiw sa kanilang serbisyo.

Samantala, bukod dito ay ibinahagi rin ng hepe ng Pambansang Pulisya na kabilang sa magiging matibay na batayan ng imbestigasyon ng 5-man committee ay ang background at history ng isang opisyal na may dating mga kasong hinawakan na may kaugnayan sa ilegal na droga.