-- Advertisements --

Pinakilos na ni PNP Chief, P/Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang PNP Anti-Cybercrime Group o ACG para imbestigahan ang umanoy data breach sa ilang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Azurin na nais nilang malaman kung gaano kalawak ang pinsala ng nasabing cyberhacking.

Iniulat kasi ng Cybersecurity Webste na VPNMentor na mayroong 817.54 Gigaytes o katumbas ng 1,279,423 na mga datos ang nag-leak.

Hindi lamang PNP ang apektado nito maging ang NBI, Professional Regulation Commission, Bureau of Internal Revenue at iba pa.