-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ng Philippine National Police ang naging pahayag ni Kingdom of Jesus Christ leader, Pastor Apollo Quiboloy hinggil sa umano’y pagsu-surveillance ng mga otoridad sa kaniya.

Ayon kay PNP-Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, hindi batid ng kapulisan kung saan nanggagaling ang mga salitang binanggit ni Pastor Quiboloy sa kaniyang inilabas na audio statement.

Aniya, walang direktiba sa anumang yunit ng kapulisan na isailalim sa surveillance si Quiboloy.

Kaugnay nito ay binigyang-diin din ni PCol. Fajardo na walang anumang utos sa kapulisan na bantayan si Quiboloy lalo na ang sinasabi umano nito na pagri-raid ng mga pulis.

Habang nilinaw din niya na hindi minomonitor ng PNP ang sinuman sa kaniyang mga tagasunod.