-- Advertisements --

Nagsasagawa pa rin ang mga kapulisan ng Las Piñas City para matukoy ang grupo na kasamahan ng mga naaresto nilang suspek na nahulian nila ng P455.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Unang naaresto ang suspek sa bahay nito kung saan umabot sa 67 kilos o 64 packs ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa bahay ni Joel Bustamante.

Umabot pa sa mahigit dalawang buwan bago isinagawa ang nasabing operasyon.

Ang nasabing suspek ay sinasabing courier ng Chinese na si Liu Chao na unang naaresto sa Makati City noong Martes.