Asahan na ang striktong pagpapatupad ng PNP checkpoints sa mga strategic areas sa NCR plus Bubble na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite,laguna at Rizal.
Personal na pinangunahan nina PNP OIC Lt Gen. Guillermo Eleazar at JTF Covid Shield Lt Gen. Cesar Hawthorne Binag ang inspection sa mga checkpoints partikular sa may boundary ng Apalit, Pampanga at Calumpit sa Bulacan boundary sa may Mc Arthur Highway.
Ayon kay Eleazar hindi nila papayagan ang mga nasa loob ng GCQ Bubble ay makakalabas at yung mga nasa labas ay hindi makapasok pwera na lamang na sila ay APOR.
Sinabi ni Eleazar kaniya ng ipinag-utos sa mga unit commanders na bantayang yung mga perimeter yung mga boundaries.
May mga itinayo ng quarantine control point ang PNP sa bundary ng bulacan, pampanga at nueva ecija, boundary ng rizal at quezon, boundary ng cavite at batangas, laguna at Batangas at quezon.
Dalawa ang itatalagang checkpoints ng PNP yung mga “ingress at egress” sa loob at labas ng boundary.
Binabantayan din ng PNP ang mga trail o ang mga lusutan para hindi makalusot ang mga lalabas at papasok ng NCR plus bubble areas.
Nilinaw naman ni Eleazar na sa loob ng NCR plus bubble hindi restricted ang movement ng mga tao at maging ang mga delivery services.
” By the way kung titingnan within the bubble or even outside the bubble eh kakaunti na lang yung ating mga unauthorized persons kaya nga basically ang mga tinitignan natin diyan is not the movement kung hindi mga unauthorized like matanda siya o masyadong bata or hindi nagsusuot ng mga protective gear na kailangan natin,” pahayag ni Eleazar.