Nilinaw ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa na hindi sinisisi ng PNP ang Office of the Civil Defense (OCD) sa pagkamatay ng pulis na doktor na is Capt. Casey Gutierrez sa Philippine Sports Arena Covid-19 quarantine facility.


Ang paglilinaw ni ay PNP Chief matapos maglabas ng statement ang OCD na nag-welcome sa imbestigasyon sa insidente, kasabay ng pag-giit na wala kinalaman ang OCD sa pamamahala at operasyon ng naturang pasilidad.

Sinabi ni Gamboa na hinihingi lang ng PNP ang tulong ng OCD sa imbestigasyon para madetermina kung saan galing ang chemical disinfectant na ginamit sa pasilidad, dahil ang OCD ang nag-accredit ng mga service providers sa quarantine facility.

Paliwanag ni Gamboa, ang ginagamit na chemical disinfectant sa PICC quarantine facility na pinamamahalaan din ng PNP ay iba sa ginamit sa Philsports Arena quarantine facility, na may ibang service provider.

Magugunitang namatay sa ospital si Capt. Casey Gutierrez matapos aksidenteng makalanghap ng nakalalasong chemical disinfectant habang sumasailalim sa decontamination.

Una rito naglabas ng pahayag ang OCD at itinanggi na sila ang bumili ng mga disinfectant na ginagamit sa PICC at Phil Sports Arena quarantine facility.