-- Advertisements --

Plano ng Office of the Civil Defense (OCD) na magtalaga ng green lane sa San Juanico bridge para sa mga sasakyang nagdadala ng basic commodities.

Ayon OCD spokesperson Chris Noel Bendijo, kasalukuyang ikinokonsidera ang mga lumang daungan at karagdagang permits para sa landing craft tanks para maisakay ang mga apektadong trucks na nagdadala ng basic commodities para maibsan ang epekto ng restriksiyon sa mga dumadaan sa naturang tulay.

Kasabay na rin ng nalalapit na panahon ng tag-ulan na maaaring makalimita sa bilang ng operasyon ng roll-on/roll-off (RoRo), sinabi ng OCD official na naghahanap na sila ng mga posibleng solusyon.

Mayroon din aniyang panukala na magtayo ng panibagong tulay para magkaroon ng mas maraming alternatibong ruta para sa mga apektadong lugar.