Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na walang “overkill” sa pagpapakalat ng mahigit 21,000 pulis para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 27.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., hindi sila nagdeploy ng ganoon karaming pulis. Aniya, walang overkill sa pagsiguro ng kapayapaan at kaayusan at sa kaligtasan ng publiko.
Tanong ng heneral, “The more you bring in security forces, perhaps it’s more secure, is it not? What’s better? Security or peace and order with only minimal security or maximum security?”
Saad pa ng PNP chief na mayroong 230,000 pulis sa buong bansa, na maaari aniyang gamitin para matiyak ang seguridad ng publiko gayundin ang kaayusan at kapayapaan.
Ginawa ng PNP chief ang paglilinaw matapos batikusin ni Bagong Alyansang Makabayan secretary-general Renato Reyes Jr. ang pambansang pulisya dahil sa umano’y pagharang sa mga nagpo-protesta bago ang nakatakdang taunang ulat sa bayan ng pangulo ngayong araw.
Sa kasalukuyan, naka-full alert ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa SONA at kaliwa’t kanang kilos-protesta ngayong araw bagamat walang na-monitor na banta sa seguridad.
















