-- Advertisements --
Nakipag-ugnayan na ang Philippine Naitonal Police (PNP) sa mga kumpanya na may mga empleyadong dayuhan.
Kasunod ito sa napaulat na dumarami ang insidente ng pagdukot sa mga dayuhan.
Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr, na may mga kapulisan na rin itong ipinakalat sa mga entertainment hub ng Metro Manila kung saan dinarayo ito ng mga dayuhan.
Sa panig naman ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang senate chair ng Public Order and Dangerous Drug na magpapatawag ito ng senate inquiry ukol sa nasabing usapin sa darating na Setyembre 15.