-- Advertisements --
PNP new helicopter Jan302021 2
IMAGE | PNP handout

MANILA – Nakatanggap ng tatlong brand new helicopters ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagpapalakas sa mga hakbang ng pulisya laban sa terorismo.

Ayon kay PNP chief Police Gen. Debold Sinas, tinanggap na ng kanilang Special Action Force-Air Unit (PNP-SAF) ang tatlong H-125 Airbus single-engine turbine helicopters sa Manila Domestic Airport, Pasay City.

“These new air assets will further boost our operational capability in support of the anti-insurgency and anti-terrorism campaign,” ani Sinas.

Galing daw sa Airbus Helicopters Southeast Asia ang tatlong sasakyang panghimpapawid, na binili sa pamamagitan ng General Appropriations Act o pambansang pondo noong 2019.

Dahil dito pito na ang H-125 helicopters ng PNP. Bukod pa ito sa dalawang R-22 Robinson helicopters, at isang fixed-wing trainer aircraft.

Nasa PNP-SAD Unit hangar na ang mga bagong helicopter ng tanggapan.

Ayon kay Sinas, target i-deploy ang mga bagong helicopter sa central Visayas, southern Mindanao at northern Luzon.