-- Advertisements --

Patuloy na nakakapagtala ang Philippine National Police ng pagbaba sa bilang ng mga krimen sa bansa.

Ayon kay PNP-PIO Chief PCol. Jean Fajardo, bumaba ng 21.68% ang index crime sa bansa mula noong Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng kapulisan, aabot sa 5,939 na mga insidente ang naitala ngayong taon na mas mababa kumpara sa 7,583 na mga insidente na naitala sa kaparehong panahon noong taong 2023.

Pinakamataas sa mga naitala ay ang mga krimen na may kaugnayan sa rape, at carnapping.

Kung maaalala, ang index crime ay kinabibilngan ng mabibigat na krimen tulad ng murder, homicide, physical injury, robbery, rape, theft, at carjacking.