-- Advertisements --
Patuloy ang pagbabantay ng Philippine National Police sa mga hindi otorisadong nagbebenta ng uniporme ng pulis.
Ayon kay PBGen. Robert Gallardo, Deputy Director, Directorate for Research and Development at Task Force Commander ng Bantay Bihis na dapat ang mga tindero ng uniporme ng pulis ay mayroong Certificate of Comformity o COC para matiyak na ito ay legal at dumaan sa kalidad na naaayon sa PNP.
May mga tauhan din itong umiikot sa mga bilihan ng mga uniporme at kagamitan ng PNP para matiyak na sumusunod ang mga ito sa nasabing kautusan.
Mahigpit aniyang pinagbabawal sa batas ang iligal na pagbebenta ng uniporme ng pulis kung saan talamak ito maging sa mga online platform.