-- Advertisements --
PNP

Inatasan na ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang lahat ng yunit ng Pambansang Pulisya sa buong Pilipinas na maghanda laban sa mga posibleng pag-atake ng komunistang teroristang grupo na New People’s Army (NPA).

Ito ay bilang paghahanda ng Pambansang Pulisya laban sa mga posibleng pagkilos ng nasabing teroristang grupo kasabay ng pagdiriwang nito ng kanilang ika-54 na anibersaryo bukas, Marso 29, 2023.

Ayon kay Azurin, aabot sa halos 900 puwersa ng PNP ang kanilang ipapakalat sa mga eskwelahan sa Bicol Region partikular na sa lalawigan ng Masbate.

Ito ay upang tiyakin ang seguridad sa nasabing lugar matapos ang magkakasunod na pag-atake ng nasabing grupo sa ilang paaralan sa anim na mga bayan sa lalo na sa Placer at Dimasalang.

Patuloy pa rin kasi ang paggamit ng mga teroristang NPA ng mga anti-personnel landmines na isang uri ng pampasabog na matagal nang ipinagbabawal sa ilalim ng international convention on warfare.