Nagsimula na ang Philippine National Police na maglagay ng police assistance desk sa iba’t ibang paaralan sa bansa.
Sinabi ng tagapagsalita ng PNP na si Colonel Jean Fajardo na nagsimula ang deployment noong nakaraang linggo dahil ang ilang mga pribadong paaralan ay nagbalik na ng klase.
Ang mga police assistance desk ay bubuuin ng 32,000 pulis sa buong bansa.
Bukod sa mga aktwal na magsasagawa ng mga assistance desk, kasama rin sa bilang na ito kung sino ang itatalaga sa mobile at foot patrol, gayundin ang mga checkpoint malapit sa mga paaralan.
“Kasama na po diyan yung mga police na tatao sa police assistance desks, at siyempre kasama na rin po ang mobile at foot patrol pati na rin po ang mg check points natin na i-establish sa mga roads na leading to and from schools,” Ani, Fajardo.
Dagdag pa nito, “[This is] to make sure na hindi lang po sa loob ng eskwelahan magiging ligtas ang ating mga estudyante, mga guro, at iba pa pong school staff. Pati na rin po bago sila pumasok at bago mag-uwian ay masiguro po natin na wala pong pakalat-kalat na criminal elements doon,”
Sinabi ni Col. Fajardo na tinitingnan din nila ang posibilidad na ang mga police assistance desk na ito ay permanenteng itatalaga sa mga paaralan sa buong school year.