Nagtalaga na ng special lane ang PNP sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) para mas mabilis nang makapasok sa Metro Manila ang mga Cargo o ang mga truck na may kargang food supplies.
Ito’y matapos aprubahan ang Resolution number 13 ng Inter Agency Task Force kahapon.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, naglagay na sila ng special lane sa SLEX at NLEX para sa mga cargo.
Paglilinaw ni Banac, hindi naman nito ibig sabihin na 100 percent na bibilis ang pagdaan ng mga cargo ngunit mas mapadali na ang pag check sa kanila sa mga control points sa NLEX at SLEX.
Dahil kailangan ding isilalim sa quarantine check ang mga drivers.
Ang pagcheck sa mga kargamento ay random na lamang gagawin.
Prioridad na mga cargo ay ang mga may kargang gulay, bigas, hayop, medical supplies at iba pang mahahalagang pangangailangan ng mga consumers.