Nagbabala ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay sa mga naglipanang crypto investment scam.
Ito’y kasunod sa pag release ng government and private companies ang bonuses at 13th month pay ng mga empleyado.
Ayon sa PNP, pinaigting na ng ilang mga indibidwal at maging ng ilang grupo ang kanilang modus at akitin ang mga tao na mag invest ng pera sa mga pekeng crypto investments.
Sinabi ni Police Brig. Gen. Joel Doria, director ng PNP-Anti-Cybercrime Group, na ang mga scammers ngayon ay mas lalong nagiging creative sa kanilang mga potential victims gamit ang kanilang bagong modus.
Kabilang dito ang paghikayat sa isang potential investor na i download ang isang Crypto App at kapag installed na nire require na cash in ang kanilang investments sa pamamagitan ng digital wallets na naka lista sa application.
Ang mga scammers ay gumagamit ng pekeng DTI permits at SEC certificates.