-- Advertisements --

Bagamat walang ibinigay na time line, tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na tuloy-tuloy ang paggulong ng imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.

Ang alalkalde ay binagbabaril noong October 6, 2019 at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpasiyasat dito.

Sa panayam kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, kinumpirma nitong nagkaroon na ng partial turnover ng mga ebidensiya ang PNP Cebu at sa NBI Cebu, na may hawak ng imbestigasyon.

Ayon kay Lavin, lahat ng mga posibleng anggulo ay iniimbestigahan mula sa pagkakasangkot ni Navarro sa ileligal na droga o pagkakasama sa drugs watchlist.

Maging ang pagiging alkalde nito ng Clarin at kahit ang personal na buhay nito ay hahalungkatin din.

Hindi rin daw muna isasapubliko ng NBI ang detalye kung mayroon na bang person(s) of interest sa kaso.

Bago ma-ambush si Navarro ay naaresto muna ito ng mga pulis matapos na manakit ng isang massage therapist sa Cebu City.