-- Advertisements --

ILOILO CITY – May mga person of interest na ang pulisya hinggil sa brutal na pagpatay sa isang lalaki sa loob ng barracks sa Ana Ros Village, Calajunan, Mandurriao, Iloilo City.

Ang biktima ay si Peter Galea, residente ng Calumpang, Molo, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Jonathan Pinuela, hepe ng Mandurriao Police Station, sinabi nito na ang dalawang person of interest ay ang mga kasamahan sa inuman ni Galea bago siya natagpuan na tadtad ng saksak, nakabalot sa sako ang ulo at nakalabas pa ang kanyang ari.

Ayon kay Pinuela, hindi pa niya maaaring mapangalanan ang mga person of interest dahil patuloy pa na pinaghahanap ang mga ito.