-- Advertisements --
Mas pinaigting ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagsasagawa ng price monitoring ng mga pangunahing bilihin ngayong Semana Santa.
Sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr, na mayroon na silang naarestong mga indibidwal na nagtataas ng presyo ng kanilang bilihin.
Katuwang ng PNP ang Department of Trade and Industry (DTI) na umiikot sa mga pamilihan para matiyak na walang nagsasagawa ng iligal na pagtataas ng presyo.
Hinikayat nito ang publiko na agad na isumbong sa mga kapulisan ang mga nakikita nilang nagtataas ng presyo ng bilihin.
















