Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na walang naitalang untoward incident sa kabuuan ng ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Hulyo 27.
Ito ang naging assessment ng pambansang pulisya sa kabila ng narekober na hinihinalang improvised explosive devices (IEDs) sa labas ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila at Senado sa Pasay City gayundin ang pagka-aresto ng 51 indibidwal sa kasagsagan ng protesta sa Quezon City dahil sa mga paglabag sa mga umiiral na batas at lokal na ordinansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na mapayapang nagsimula at natapos ang SONA nang walang naitalang untoward incident o marahas na insidente.
Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Anthony Aberin, naging mapayapa sa pangkalahatan ang kanilang security operations sa may Commonwealth Avenue.
Nitong Lunes, dalawang rally ang na-monitor sa lugar kung saan ang isa rito ay ikinasa ng mga tagasuporta ng pangulo habang ang isa naman ay inilunsad ng mga progresibo at militanteng grupo.
















