Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na ongoing ngayon ang case build up laban sa ama ng napatay na 17-anyos binatilyo na si Kian Delos Santos at sa tiyuhin nito na umanoy mga drug pusher.

Ayon kay PNP Spokesperson CSupt. Dionardo Carlos, mahalaga ang case build up ng sa gayon makakuha sila ng search warrant sa korte para maaresto ang mga umano’y drug suspect.

Sinabi ni Carlos na batay sa intelligence report ng PNP, lumalabas na gumagamit ng iligal na droga ang tatay ni Kian na si Saldy at tiyuhin habang si ang Grade 11 student ang ginagawang courier ng iligal na droga.

Sa panig naman ni PNP chief Ronald Dela Rosa, hindi naman ikakasa ang operasyon kapag hindi validated ang mga impormasyon.

Iginiit ni Dela Rosa na lumalabas talaga ang pangalan ni Kian na siyang pinagmulan ng droga.

Minsan ay inuutaan pa ang binatilyo na magdala ng armas.

Gayunman, dismayado si Dela Rosa na napatay ang menor-de-edad.