Tumutulong na rin sa ngayon sa pag mando ng trapiko sa EDSA ang mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group (HPG).

Ayon kay PNP-HPG Director CSupt. Arnel Escobal, nasa 64 personnel ng highway patrol group ang tumutulong sa mga tauhan ng MMDA traffic enforcers.

Sinabi ni Escobal na ang 64 HPG personnel ay naka deploy sakay ng 64 motorcycles kung saan magkakaroon ng dalawang shift ang mga ito.

Habang ang sakay naman sa mga patrol cars ay mayroon din dalawang shift.

Nilinaw naman ni Escobal na naka deploy ang mga ito sa mga identified checkpoints sa kahabaan ng EDSA.

” Nagdeploy kami ng 64 HPG personnel on board 64 MCs. They are posted along identified checkpoints in EDSA,” mensahe ni Escobal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here