Nagsagawa ng disinfection ang mga tauhan ng PNP Headquarters Support Service sa paligid ng Kampo Crame.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng hakbang ng liderato ng PNP upang labanan ang pagkalat ng nakakamatay na COVID-19.

Mahigpit na ring ipinatutupad sa Crame ang “No Facemask, No Entry” policy sa lahat ng pumapasok sa kampo at inaasahang ganito rin ang gagawin sa iba pang mga tanggapan ng PNP.

Mahigpit din ang ginagawang inspeksyon sa lahat ng mga pumapasok sa pamamagitan ng pagkuha ng temperatura gamit ang mga thermal scanners.

Una nang sinabi ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na mahigpit ang ginagawa nilang pag-iingat laban sa COVID-19.