-- Advertisements --

All systems go na raw ang PNP para sa inarugarsyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa Huwebes.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, halos 100 percent nang handa ang PNP sa kanilang inilalatag na seguridad sa National Museum at paligid nito para sa June 30 inauguration.

With only four days before the inauguration of President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., the Philippine National Police (PNP) had not monitored any security threats to the ceremony.

Sa ngayon, wala pa naman daw natatanggpa ang PNP na ano mang credible threat na pipigil sa naturang event.

Gayunpaman, tuloy-tuloy naman daw ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa iba pang regional offices para i-validate ang mga natatanggap nilang impormasyon.

-- Advertisement --

Kung maalala, nasa halos 15,000 na security personnel ang ide-deploy sa Huwebes para sa oath taking ng ika-17 president ng bansa sa National Museum of the Philippines sa Ermita, Manila.