Reading Time: 1 minute
pnp CHIEF ALBAYALDE
PNP chief Albayalde

Kabilang umano ang isang one star ranked PNP official ang iniimbestigahan ngayon dahil sa pagkakasangkot nito sa operasyon ng small town lottery (STL).

Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde batay sa ulat , pino-promote raw ng nasabing heneral ang STL games sa mga lugar kung saan siya na-assign.

Tumanggi namang pangalanan ni Albayalde kung sino ang nasabing heneral.

Aniya, wala pang kongkretong ebidensiya na nakukuha ang Directorate for Intelligence (DI).

Pinaiimbestigahan na rin ni PNP chief ang ulat na may mga police officials na pomoprotekta sa mga STL operators.

Tiniyak ni Albayalde na mananagot ang mga pulis na masasangkot at nagbibigay proteksiyon sa STL operations.