-- Advertisements --
Gen Oscar Albayalde
PNP Chief Albayalde

Dumistansiya na ang PNP sa report na inilabas ng Amnesty International dahil ito ay isang “political issue.”

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde, ang executive department na raw ang dapat na magpaliwanag.

Posibleng naghahanap lang umano ng butas ang grupo para mabatikos ang drug war ng pamahalaan.

Gayunman, iginiit ni Albayalde na hindi lang naman sa Bulacan o Central Luzon ang bilang na may maraming namamatay dahil nationwide ang kampanya ng PNP laban sa iligal na droga.

Sa katunayan aniya, base sa kanyang pagkakaalam ay National Capital Region ang may pinakamaraming nasawi dahil sa panlalaban sa mga operasyon.

Samantala, hinimok naman ng PNP ang AI na na tingnan naman ang magandang nagawa nila at huwag puro batikos sa kanilang war on drugs.

Mula kasi 2016 ay umabot na sa mahigit 240,000 ang mga naaresto nila at nasa mahigit 12,000 barangay na ang nadeklarang “drug cleared.”